LIMINALITY

This is basically Erised's online journal archive site. This is where my old blog posts are moved from my domain journal.

November 27, 2003

ahahahaaaay buhay.... XD

well, pardon me... or kill me even for my very beautiful and somewhat long and funny blog entry...... FILIPINO ENTRY! LMAO!! so sorry for non-fil readers? XD

Alam naman nating lahat na walang pasok ngayon... *nov. 26, wed.* pero alam nyo bang pumasok ako ngayon? Nakakagulat ba? Actually, sanay na akong pumasok sa mga non-class days e... matagal ko na yun ginagawa nung HS. Dapt kasi, may imi-meet ako sa uste kaninang umaga.. e kaso lang, tinanghali ako ng gising so na-late ako at di xa nakita.... kawawa nga e, naghintay xa from 7.30-9.30am... 10am ako nakadating.. since wala na xa... tinuloy ko na lang tumulong sa paggawa ng kalesa... OO, gumawa kami ng kalesa para sa activity namin bukas... haaaayyy kaasar...

Nung una, I mean nung dumating ako, gumagawa sila ng kalesa out of carton. asus... tama ba naman yun?! naturingan pa naman silang fine arts student.... bkt hindi sila maging resourceful at gumamit ng matinong materials?! aiyaya.. >.<;. naki-join na lang ako sa kanila at nakitulong sa pag-paste ng carton... late na kaming natapos so late na rin ako nakapag-lunch.... at dahil di ko nakita yung imi-meet ko mangiyak ngiyak akong nag-try na tawagan xa.. pero ayaw nyang sumagot so hindi ko tinigilan yun... pero wala parin sagot so... hindi ako nakakain ng matino. Tinawanan pa ako ng mga kasama ko kasi daw paiyak na ako e.. hehe.. anyway, matapos naming maglunch bumalik kaming uste upang ipagpatuloy ang kalesa. at dahil nga ang pangit pangit ng carton for a kalesa, heck, e di binago namin!!

nagsimula kaming maghanap ng hardware ng 3pm... nalibot na namin ang buong P. Noval at Dapitan.. wala parin.. sa Central market daw so punta naman kami doon... meron nga! so... bili kaming ply-wood at wood.. hehe dunno what to call them... tsaka pala nails! LMAO.. balik kaming uste at sinimulan na ang paggawa sa kalesa... wow... wala man lang kaming lagari at martilyo so hiram kami sa mga karpentero sa tabi tabi... pinahiram nga kami pero isa lang... kaya naghanap kami ng iba pa...

pagbalik namin doon, medyo gawa na yung kalesa pero... hindi parin kami nasayahan kaya inulit namin ulit... this time seryoso na kami! hehe, tumaggal kami doon hanggang 9.30pm sa uste sa harap ng building namin... ay, katakot! kasi bago yun... may humabol sa 2 naming classmate sa may Espa�a... buti na lang nakatakbo sila bitbit yung mabibigat na kahoy... nakakaawa.. iyak sila ng iyak pagdating sa field.. >.<;;; tapos non ano, parang nag-ghost hunting rin sila doon... hehe... takot na takot nga sila e... yun rin yung time na napukpok ko yung sarili ko ng martilyo, masakit... *katangahan* hahaha... tapos non, kinulang kami ng pako so nanghingi kami kela Manong ng ilang pako... nung mga 9pm na, madilim na sa uste.... maganda ang field at Main building..... tsaka yung ginagawang xmas tree sa field.. maganda rin! hehe... tapos ang lamig ng hangin... wow.. pasko na!! nakakaexcite! ^_^;; basta masaya.... pero grabe nakakapagod yung ginagawa naming kalesa... kawawa nga kami kasi... wala pa kaming 10 na taong gumagawa sa kalesa... iniwan kami ng magaling naming presidente... nako.. tama ba yun?! nakakainis man isipin pero, wala naman kaming nagawa... mas masaya kami nung nawala xa ano... haha... impeachment lang katapat non! WHUAHAHAHA...

sa takot kong umuwi ng gabing gabi, nagpasundo ako sa mama ko... hehe... sinama ko na rin si karen kasi nakakatakot e.... sa laguna pa xa uuwi... tapos 9.30pm na... >.<;;;;. muntikan na akong makatulog sa car pauwi.. halatang pagod na? LMAO.. ^^;; eeeekkkk sige.. tutulog na muna ako... I mean, liligo muna ako at matutulog.. LMAO.. ja~

0 Comments:

Post a Comment

<< Home